Home » Post Item » Nuguid, Rob Jeremiah Gotengco
If we cannot overcome obstacles, we can under come them.

Nuguid, Rob Jeremiah Gotengco

June 22, 2008

The poem below is a requirement for my subject Sining ng Komunikasyon (FIL 11). This is about myself.

 

NUGUID, ROB JEREMIAH GOTENGCO

Bago mag-umpisa ang lahat ng ito,
Itatanghal ko ang sarili sa inyo
Ako’y si Rob, isang ordinaryong tao
Katanyagan ang kahulugan ng ngalan ko.

Sa Kawit, Cavite matatagpuan mo
Brgy. Legaspi na kinalakihan ko
Hanapin lang ang 1013 na numero
At tirahan ko na ang bubungad sa’yo.

Nang ikadalawampu’t lima ng Hulyo,
Sa bayan ng Imus nangyaring totoo
Ika-anim ng gabi nang isilang ako
‘Yon ang umpisa ng aking pagkatao.

Ang aking ama’y nagngangalang Roberto
Siya’y dakila at aking iniidolo
Aurelia naman ang ngalan ng ina ko
Sa pagmamahal niya, ako’y hindi talo.

Sa buhay ko, may tatlo akong kadugo
Una’y si Kevin na medyo seryoso;
Sunod si Ron-ron na may pagkatuso;
At si Jonathan na sa amin ay bunso.

Mahilig akong magbasa ng libro
Kumain, matulog, at magpakatao
Ang pagkokompyuter ay isa ring hilig ko
Ibig ko ring kulayan ang aking mundo.

Ayoko sa palaka at mga aso
Pati na rin sa mga adik sa kanto
Takot akong humarap sa pagkabigo
At magpaalam dito sa ating mundo.

Pangarap kong magkaroon ng trabaho
Umalis ng bansa, sa Japan dumako
Ngunit ang nais ko ngayong oras na ‘to,
Sa kursong ito ako nawa’y maka-uno.

Kung susuriin ang aking apelyido
Ako’y isang “Nuguid” na may lahing Tsino
Gayunpaman, kami’y tunay na Pilipino,
Pinoy na taas noo kahit kanino.

At dito natatapos ang tulang ito
Nawa’y napakilala ko ng totoo
Ang sarili kong ito bilang ako

Salamat sa pagtangkilik,mga katoto.

 

P.S. Drop me a comment!

Posted by bottomline at 11:45 AM | permalink

Previous Comments

I’m pleased I found this weblog, I couldnt discover any info on this subject matter earlier to. I also operate a site and if you want to ever severe in a little bit of guest writing for me if possible really feel free to let me know, i am usually look for people to check out my site.

Posted by coach7store at April 26, 2011, 5:38 pm

Add a comment